Thursday, September 30, 2010

Pagbabago

Noong panahon ng ating kamusmusan, hindi natin batid kung gaano ka-simple o ka-komplikado ang buhay. Habang tumatanda tayo, namumulat tayo sa iba't ibang reyalisasyon at mga desisyon na naghahatid sa atin tungo sa isang PAGBABAGO.

Sabi nga nila, ang mga pangyayari sa buhay ng bawat tao ay nakatakdang mangyari at hindi biglaan lamang. May mga taong nabubuhay sa isang kahig, isang tuka, at mayroon namang naliligo sa dami ng mga biyaya.

Namulat ako sa isang buhay na naibibigay ang aking mga pangangailangan sa araw-araw at luho sa katawan. Hindi alintana ang mga hirap na pinagdadaanan ng aking mga magulang kumita lamang ng pera para sa gastusin sa araw-araw. Ang mga pangyayaring ito ang nagbunsod sa akin tungo sa isang pagbabago na nagaganap ngayon sa aking buhay.

Dalawang taon na akong nagtatrabaho at ramdam ko na mahirap pala maging isang empleyado kung ikukumpara sa buhay bilang estudyante. Kung noon, lahat ng mga bagay ay dumadating na lamang sa aking mga palad, ngayon naman ay pinaghihirapan ko na ang lahat ng mga gusto ko sa buhay.

Napatunayan ko na mahirap pala kumita ng pera, kaya naman ngayon isang malaking pagbabago ang pinipilit kong makamtan para na rin sa aking kapakanan. Kung dati-rati, ang paggastos ko ay basta-basta na lamang, ngayon naman ay makailang beses ko pang iisiping mabuti kung dapat nga ba akong maglustay ng pera para sa luho lamang. Kalaban ko man ang konsensya ko, alam kong magtatagumpay ako.

Ang buhay ng tao ay parang Goldilocks, parehong tumatahak sa daan patungo sa pagbabago. Ang buhay ng tao patungo sa isang magandang kinabukasan na nananatiling simple at payak at ang Goldilocks patungo sa isang bago at modernong tatak sa hindi magbabagong Pinoy sarap na minahal ng mga Pilipino.

Sa malaking pagbabagong ito sa buhay ko, isa lang ang masasandalan ko - GOLDILOCKS.





Tuesday, September 28, 2010

A Glimpse of Yesteryears...



























One of my cutest picture during my baby years.
The picture was taken at the old house of my
grandparents (Malolos Bulacan) a day before
my first birthday, that was December 16, 1987.

Sunday, September 12, 2010

SULITIZEN: Spend Less, Save More

SULITIZEN is a person who actively participates in a safe trading/buying/selling of goods and services over the internet with the use of electronic fund transfer. Someone who looks for the best items with high quality at the cheapest price possible.


Buy and Sell Philippines
Sign Up at Sulit.com.ph
Buy and Sell Philippines

Read more: http://www.sulit.com.ph/index.php/view+topic/id/60877/Sulit.com.ph+Blog+Writing+Contest%3A+Give+Your+Best+Definition+of+Sulitizen

Saturday, June 5, 2010

WINNER: Kulay ng Balota

Unang beses para sa akin na sumali sa isang online blogging contest, hindi naman masama kung susubukan, ang masama ay yung hindi mo sinubukang gawin ang isang bagay at sa huli ay magsisisi ka. Nagpost ako ng entry sa Political Arena na may kinalaman sa kauna-unahang automated eleksyon sa bansa, at ayun ako ang nanalo, yehey.

Official blog contest announcement - Political Arena Blog Contest
Official blog contest guidelines - Political Arena Blog Contest Guidelines

Please read below for my official entry: Kulay ng Balota


Kulay ng Balota

Posted
9/5 10:34PM

Ang eleksyon ang panahon na nabibigyan ang bawat botanteng Pilipino na pag-isipang mabuti kung sino ang iluluklok sa iba’t ibang pwesto sa pamahalaan na sa tingin nila ay magdadala ng pagbabago sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na taon. Pangalawang beses na akong boboto pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na boboto ako para sa pinakamataas na posisyon sa Republika ng Pilipinas.

Ilang buwan ko ding pinagisipang mabuti kung sino nga ba ang dapat at kung sino ang may sapat kakayahan na gampanan ang pagiging Pangulo ng Pilipinas. Noong una, isang kulay ang namayani para sa akin, ngunit kagaya ng sinasabi ng iba na malabo ang pag-asa na manalo ito. Bunsod ito ng resulta ng sunud-sunod na mga surveys. Ngunit kung tutuusin nga naman, sa ilang milyong Pilipino na boboto sa eleksyon, libo lamang ang mga natatanong sa mga naglalabasang surveys linggu-linggo. Marami ang nagsabi at isa na ako doon, na hindi naman ako natanong sa lahat ng naglabasang surveys sa peryodiko at telebisyon.

Madaming buwan, linggo at mga araw ang nagdaan, isang desisyon ang aking paninindigan, muntik man magiba ng kulay dahil sa resulta ng mga surveys na naglabasan, pinairal ko pa din ang sinasabi ng puso at isipan. Kasabay ng mga taong naglabasan upang suportahan siya mula sa aking mga kaopisina, kaibigan at kamag-anak, nagkakaisa ang aming puso’t damdamin upang suportahan at ipaglalaban ang kanyang kandidatura.

Sa lahat ng mga nagnanais na makuha ang pinakamataas na posisyon sa bansa, naniniwala ako na sya lamang ang may karapatan at may kakayahan na patakbuhin at paunlarin ang bansang Pilipinas. Hindi lamang sapat ang talino, dapat ay may puso sa paglilingkod sa bayan. Hindi man siya kasing yaman ng iba, o inindorso ng mga pinakasikat na artista, siya naman ay tapat at hindi corrupt.

Sa Mayo 10 ng taong ito, isang kulay lamang ang dapat mangibabaw sa lahat at isang tao lamang ang nararapat sa bilog na hugis itlog ng bawat balota. Pula ang kulay ng pagbabago. DICK GORDON para Pangulo. Ang boto ko, para kay Gordon sa pagka-Pangulo, at paninindigan ko ito manalo man siya o matalo. Ako ang simula ng pagbabago, may magagawa tayo.




Announcement of winners: Blog and Picture Contest winners



WINNERS OF PHOTO and BLOG CONTEST!

Posted on 21/5 7:15PM

Congratulations to the following winners of politicalarena.com's photo and blog contest!

BLOG CONTEST WINNER: Mr. Joel Clavio

Blog entry: "Kulay ng Balota

PHOTO CONTEST WINNER: Ms. Maria Lourdes Nevalga

Photo entry: Reunion of Santos, Villalon

and Teodoro Clans

Kindly wait for a politicalarena.com representative to get in touch with you via email and mobile phone on how to claim your prize.



At nung May 28, nakuha ko na din ang prize ko na Flip Video Ultra sa Political Arena Office at Ortigas Pasig. Thanks to Ms. Alex and to Ms. Raquel for the assistance.





Sunday, May 16, 2010

100

Isang pagkakaibigang nabuo sa loob ng limang taon at patuloy na pinagyayabong pa ng panahon. Isang pagsasama, mahigit isang daang dahilan ng pagkakaibigang walang hanggan.

Marami man naging usap-usapan at pangyayaring hindi inaasahan, wala nang makakapigil pa dahil tuloy na tuloy na ang Pangasinan Summer Getaway na matagal din inayos ng mga taong namahala nito. Saludo ako kay Rida at Tope sa dedikasyon nila at oras na inilaan para matuloy ang lakad na ito. Naging dalawang araw man ang sana’y tatlong araw na pamamasyal, hindi pa rin mapapantayan ang saya kung mga kaibigan na tunay ang iyong mga kasama.

Place: Alaminos and Bolinao Pangasinan
Dates: May 1 -2, 2010
Attendees:
Roniel Borcena
Rose Corpuz
Ramoncito Cruz
Bennie Bryan Dela Cruz
Marlon Cunanan
Analiza Dionisio
Rida Luna
Nikki Mangalindan
Michael Keivin Mirano
Christopher Nunez

Umalis ng Bulacan ng 130 ng umaga, nakarating ng Alaminos ng 530.
Kumain ng agahan kasama ang mga kaibigan, pinagsaluhan ang hotdog, itlog na maalat at adobong baboy at manok.

Umarkila ng bangkang gagamitan at sinimulan ang 100 islands hopping.

First stop sa Governor's Island, at ito din ang kauna-unahang group picture ng grupo.

Ang malililit na isla ng 100 islands na kuha mula sa tuktok ng Governor's Island.


Group picture taking sa itaas ng Governor's Island.

Kuha mula sa itaas, ang Pinoy Big Brother House na tinirahan ng unang Batch ng Teen Edition.
Tumira dito sina Kim Chui at Gerald Anderson.

Ang likod ng Pinoy Big Brother House. Maaring i-rent 10,000 piso kada araw (ang mahal).

Ang Bats Island.

Group picture taking at Quezon Island.

Isa sa mga isla ng 100 Isalnds.

Cape Bolinao.

Wonderful Cave, Bolinao.

Litrato kuha sa loob ng Bolinao Church, luma man ang struktura, sentro pa rin ng pananampalataya.

Bolinao Church.

Bolinao Church.

Ang Villa Milagrosa, ang aming tahanan sa Alaminos Pangasinan.
1,800 room good for 4 persons.
1,600 room good for 3 persons.
Additonal 100 per head for mattress.

100 Hundred Islands welcome logo.

Bolinao Photoshoot, pang facebook profile picture.

Patar Beach at Bolinao.

Ang aming tahanan sa Bolinao Pangasinan - Hansmin Resort.
Nipa Hut for 1000 for one day.
Caretaker: Jun Abelido
Contact Number: 0908-106-2700

Patar Beach at Bolinao.

Group picture at Hansmin Resort Bolinao.

Pasalubong Time: Binungay
Parang sumang malagkit ng Bulacan, kaibahan lang ay niluto sa loob ng kawayan.

Pasalubong Time: Tupig
Pangasinan's famous kakanin.

Ang pinakamasaya at panakaimportanteng bahagi ng buhay ng isang tao ay makakilala ng mga kaibigang hindi ka iiwan simula sa araw na kayo ay nagkakilala hanggang sa araw na ang Maykapal na ang magtatakda.. Salamat sa inyong lahat. Sa uulitin.

Saturday, April 3, 2010

Semana Santa 2010

Ang Semana Santa ang panahon na itinakda ng Simabahang Katolika upang balikan ang mga pagpapasakit na ginawa ng Panginoong Hesukristo para sa sambayanan.

Ito ang mga banal na araw upang magtika at magsisi ang bawat isa sa kasalanang nagawa at magbalik loob sa Panginoon.

Panahon ito upang sariwain ang mga pangyayari sa buhay ng ating tagapagligtas at dakilain sya sa ginawa nya upang iligtas ang sangkatauhan.

Maraming gawain ang itinakda ng simbahan sa pagdiriwang ng Semana Santa. Isa na dito ang prusisyon na nagsasadula ng mga pangyayari at karanasan ng Panginoon. Nasa ibaba ang ilan sa mga larawan kuha mula sa prusisyon ng gabi ng Biyernes Santo sa Parokya ng Santiago Apostol Plaridel Bulacan.







More pictures at my Multiply Site, please click here.


ADIK

Music lover ako pero ayaw sa akin ng music hehe. Fan talaga ako ng mga beautiful songs and beautiful voices of different artist. I hate rock songs talaga, hindi din ako fan ng mga classical songs. Mas gusto ko makinig sa mga love songs and slow songs.

Trend ngayon sa music industry ang mga revival songs, paulit-ulit man, iba-iba naman ng renditions. Pero sa lahat ng revivals na meron ngayon sa music market, iba talaga ang dating ng mga acoustic revival songs. Yung mga dating medyo mabilis ang tempo, nagiging isang relaxing song pag ginawang acoustic na.

Sobrang ibang relaxation ang naibibigay nito sa akin kaya naman never itong nawawala sa i-Pod ko, nakakatanggal ng stress lalo na kung maganda ang boses. Isa sa mga favorite kong acoustic artist ngayon ay si Princess Velasco, ang boses sa likod ng uber successful na Addicted to Acoustic.

Nakaka-adik talaga ang mga songs nya, first time kong napakinggan last year ang version nya ng Single Ladies ni Beyonce at talaga naman ang cool ng rendition nya. Marami pang hits ang laman ng first album nya na certified Platinum talaga. Lately, ang success ng Addicted to Acoustic ay nasundan ng Addicted to Acoustic 2, iba pa rin syempre ang first album pero sure na magiging hit na naman ang second album na ito.

Nasa ibaba ang mga songs na laman ng first at second album ni Princess, grab na din kayo ng copy, for sure na mageenjoy kayo sa ganda ng boses ng artist na ito. Yung may red highlights ang favorite ko.

Addicted to Acoustic (2009)


Track 1 Single Ladies
Track 2 Thinking of You
Track 3 With You
Track 4 I'm Yours
Track 5 Bleeding Love
Track 6 Love Story
Track 7 Crush
Track 8 T-Shirt
Track 9 Love Bug
Track 10 Say It Again
Track 11 Realize
Track 12 The Time of My Life
Track 13 Right Now Na Na Na
Track 14 Ordinary People
Track 15 Thunder
Track 16 If I Were A Boy
Track 17 I Hate This Part
Track 18 Decode


Addicted to Acoustic 2 (2010)


Track 1 Bad Romance
Track 2 Where Are You Now
Track 3 3
Track 4 Two Is Better Than One
Track 5 Fireflies
Track 6 Fallin For You
Track 7 You Belong With Me
Track 8 Touch My Hand
Track 9 Mad
Track 10 One Time
Track 11 Tik Tok
Track 12 Already Gone
Track 13 Mama Do
Track 14 New Divide
Track 15 Trouble Is A Friend
Track 16 Who Says
Track 17 Watcha Say
Track 18 You Still Have My Heart

***Photo courtesy of www.viva.com.ph