Matagal ko ng gusto na makarating sa Amana Waterpark. Isa itong bagong tayo na summer
destination sa Province of Bulacan, Municipal of Pandi. Maganda ang press release nito kaya maa-attract ka talaga na makapunta.
Pinagmamalaki ng park na ito ang wave pool na pinamalaki sa Pilipinas at ang mga life-size statue ng mga favorite nating mga super heroes at cartoon characters.
Sa loob ng isang taon na nagooperate ito, naging top 2 ito sa most searched destinations in the Philippines for 2009.
Finally, nakarating na rin ako with family. Celebration ito ng 24th wedding anniversary ng parents namin nung March 20. Sobrang ang layo ng byahe, dulo na ata ito ng Pandi. Ang dami kong comments sa lugar na ito, owver.
1. Maganda nga yung place, pero mas maganda sya sa picture .
2. Once in a blue moon ang waves ng wave pool, kung hindi pa magrequest ang mga tao, hindi pa magkakaroon.
3. Dalawa lang ang pool, isang wave pool at isang kiddie pool.
4. Hindi masyadong enjoy sa dami ng tao, hindi sulit ang bayad mo.
5. Ang init ng lugar, nangitim talaga ako.
6. Ang dumi ng tubig sa wave pool, owver.
Kaya baka hindi na ako maulit na magpunta dito. Posible pa din naman siguro kung tapos na ang mga additional construction na ginagawa para mas magenjoy ang mga guest.
Hindi man masyado enjoy sa swimming, enjoy naman sa picture taking.
More pictures at my Multiply Site, please click here.
No comments:
Post a Comment