Monday, July 20, 2009

Yearbook

It's been 1 year and 3 months since I graduated from college. I am really excited to have the copy of my yearbook and at last, I got it last July 15 when I did not attend to work due to overnight support for patch deployment.

It's exactly 4 in the afternoon na ng dumating ako sa BSU. Punta ako sa dean's office to claim my yearbook. Si Dean ang nagbibigay ng yearbook with matching interview pa tungkol sa current work ko. So proud naman akong nagkwento sa kanya. Sino ba naman hindi proud being part of the number 1 telecom in the Philippines, syempre SMART - me na me, haha.

Sobra man ako excited makita, nawala din un nung nakuha ko na sya. Ang daming kapansin-pansin sa yearbook Batch 2008.

1. Per colloge na ang yearbook, so boung Engineering lang.
2. Anim na tao per page, parang sardinas sa sikip.
3. Kumusta naman ang puno ng mangga with special participation sa back cover, lumelevel kay Kim Chiu.
4. Ang daming typographical error sa mga details.
5. Parang minadali na marealese ung yearbook, parang nga ba o minadali talaga?
6. Hindi lahat ng details na nilagay mo sa yearbook form ay nailagay sa details ng pagkatao mo.
7. Ang ibang department, nakalagay ung position ng mga organization officers, sa CoE wala man lang. Nilgay ko pa naman na SCoES Secretary ako.
8. Yung mga awards and recognition meron ang ibang section, sa CoE 5A wala man lang. Top 8 pa naman ako sa Compre.
9. Hindi consistent ang pagkakalagay ng mga details ang bawat graduate.
10. Wala man lang class picture per section.
11. Kulang ang picture ng mga Engineering Faculty.
12. Parang walang effort sa paggawa ung nagcompile ng Yearbook.

At ang pinakamaling mali, hindi sya WoW Mali dahil mali talaga.
...........Magkaibang larawan
...................Magkaibang pangalan
...........................Iisa ang magulang
..................................Iisa ang pinagmulan
............................................Iisa ang kaarawan
....................................................Hindi magkamag-anak, magkaklase lang
Kumusta naman ang detalye ng magulang, tirahan, kaarawan ni Jedilyn Constantino, ung detalye din ni Vanessa Blanco. Maling mali talaga.

Ganun pa man, happy na din. Nakuha ko na sya, hindi naman importante ang lahat ng pagkakamali na makikita sa yearbook dahil ang pinakaimportante ay ang pagkakaibigan at samahan na nabuo sa limang taong pagsasama.
Miss you all CoEBros.

P.S. Kinausap ko na si Dean Nick regarding sa case ni Jed, at sabi nya ipapagawa daw ng bago si Jed na tama na yung details nya. Dapat lang naman diba?

2 comments:

Unknown said...

Hey, i have read your blog..
first one to put a comment.. hehehe

okay itong topic mo about yearbook ah,
mas nkkatamad tuloy kunin pero gusto ko pa rin sanang makuha pag may time ako...

thanks nga pla kahit n hinde ako nkasma, naintindihan nyo..

aries

joelicious said...

salamat for reading my blog...
Thanks sa support

Post a Comment