Saturday, April 3, 2010

Semana Santa 2010

Ang Semana Santa ang panahon na itinakda ng Simabahang Katolika upang balikan ang mga pagpapasakit na ginawa ng Panginoong Hesukristo para sa sambayanan.

Ito ang mga banal na araw upang magtika at magsisi ang bawat isa sa kasalanang nagawa at magbalik loob sa Panginoon.

Panahon ito upang sariwain ang mga pangyayari sa buhay ng ating tagapagligtas at dakilain sya sa ginawa nya upang iligtas ang sangkatauhan.

Maraming gawain ang itinakda ng simbahan sa pagdiriwang ng Semana Santa. Isa na dito ang prusisyon na nagsasadula ng mga pangyayari at karanasan ng Panginoon. Nasa ibaba ang ilan sa mga larawan kuha mula sa prusisyon ng gabi ng Biyernes Santo sa Parokya ng Santiago Apostol Plaridel Bulacan.







More pictures at my Multiply Site, please click here.


ADIK

Music lover ako pero ayaw sa akin ng music hehe. Fan talaga ako ng mga beautiful songs and beautiful voices of different artist. I hate rock songs talaga, hindi din ako fan ng mga classical songs. Mas gusto ko makinig sa mga love songs and slow songs.

Trend ngayon sa music industry ang mga revival songs, paulit-ulit man, iba-iba naman ng renditions. Pero sa lahat ng revivals na meron ngayon sa music market, iba talaga ang dating ng mga acoustic revival songs. Yung mga dating medyo mabilis ang tempo, nagiging isang relaxing song pag ginawang acoustic na.

Sobrang ibang relaxation ang naibibigay nito sa akin kaya naman never itong nawawala sa i-Pod ko, nakakatanggal ng stress lalo na kung maganda ang boses. Isa sa mga favorite kong acoustic artist ngayon ay si Princess Velasco, ang boses sa likod ng uber successful na Addicted to Acoustic.

Nakaka-adik talaga ang mga songs nya, first time kong napakinggan last year ang version nya ng Single Ladies ni Beyonce at talaga naman ang cool ng rendition nya. Marami pang hits ang laman ng first album nya na certified Platinum talaga. Lately, ang success ng Addicted to Acoustic ay nasundan ng Addicted to Acoustic 2, iba pa rin syempre ang first album pero sure na magiging hit na naman ang second album na ito.

Nasa ibaba ang mga songs na laman ng first at second album ni Princess, grab na din kayo ng copy, for sure na mageenjoy kayo sa ganda ng boses ng artist na ito. Yung may red highlights ang favorite ko.

Addicted to Acoustic (2009)


Track 1 Single Ladies
Track 2 Thinking of You
Track 3 With You
Track 4 I'm Yours
Track 5 Bleeding Love
Track 6 Love Story
Track 7 Crush
Track 8 T-Shirt
Track 9 Love Bug
Track 10 Say It Again
Track 11 Realize
Track 12 The Time of My Life
Track 13 Right Now Na Na Na
Track 14 Ordinary People
Track 15 Thunder
Track 16 If I Were A Boy
Track 17 I Hate This Part
Track 18 Decode


Addicted to Acoustic 2 (2010)


Track 1 Bad Romance
Track 2 Where Are You Now
Track 3 3
Track 4 Two Is Better Than One
Track 5 Fireflies
Track 6 Fallin For You
Track 7 You Belong With Me
Track 8 Touch My Hand
Track 9 Mad
Track 10 One Time
Track 11 Tik Tok
Track 12 Already Gone
Track 13 Mama Do
Track 14 New Divide
Track 15 Trouble Is A Friend
Track 16 Who Says
Track 17 Watcha Say
Track 18 You Still Have My Heart

***Photo courtesy of www.viva.com.ph

Friday, April 2, 2010

Amana

Matagal ko ng gusto na makarating sa Amana Waterpark. Isa itong bagong tayo na summer
destination sa Province of Bulacan, Municipal of Pandi. Maganda ang press release nito kaya maa-attract ka talaga na makapunta.

Pinagmamalaki ng park na ito ang wave pool na pinamalaki sa Pilipinas at ang mga life-size statue ng mga favorite nating mga super heroes at cartoon characters.

Sa loob ng isang taon na nagooperate ito, naging top 2 ito sa most searched destinations in the Philippines for 2009.

Finally, nakarating na rin ako with family. Celebration ito ng 24th wedding anniversary ng parents namin nung March 20. Sobrang ang layo ng byahe, dulo na ata ito ng Pandi. Ang dami kong comments sa lugar na ito, owver.

1. Maganda nga yung place, pero mas maganda sya sa picture .
2. Once in a blue moon ang waves ng wave pool, kung hindi pa magrequest ang mga tao, hindi pa magkakaroon.
3. Dalawa lang ang pool, isang wave pool at isang kiddie pool.
4. Hindi masyadong enjoy sa dami ng tao, hindi sulit ang bayad mo.
5. Ang init ng lugar, nangitim talaga ako.
6. Ang dumi ng tubig sa wave pool, owver.

Kaya baka hindi na ako maulit na magpunta dito. Posible pa din naman siguro kung tapos na ang mga additional construction na ginagawa para mas magenjoy ang mga guest.

Hindi man masyado enjoy sa swimming, enjoy naman sa picture taking.







More pictures at my Multiply Site, please click here.

CoE Night 2010

Almost 2 years na rin ang nakalipas since I've graduated from college. Pero for the past 2 years na graduate na ako, always invited pa din ako na umattend ng CoE Night. Siguro dahil malaki ang naging part ko bilang isang SCoES officer (Society of Computer Engineering Students). I served the organization for 3 years, as Property Custodian (2005 - 2006), P.R.O. (2006 - 2007) and Secretary (2007 - 2008).

Iba ung feeling na mainvite ka and to witness the culminating activity of the organization for the present school year. I remember, first time kong umatend ng CoE Night nung third year ako, my first year as an officer. The theme for that year and the following year was the search for Mr. and Ms. CoE. During my last year, the team is RAMPA: Fashion Show Competition.

Naulit ang RAMPA sa CoE Night 2009 but to a different level, included na kasi ang swimwear competition. Present ako last year with Bennie, Tope, Archie and Ate Zet. And for this year, dance contest naman ang theme entitled COE's Best Dance Crew.

I would say, that was the best night I've attended so far because of the following resons:
1. First time na ginawa ang night sa newly established BulSU Activity Center
2. The food was great. Masarap talaga and nakakabusog.
3. Hindi boring ang contest that night which is COE's Best Dance Crew nga, pwedeng magcomment ang judges.
4. Nakakatawa talaga si Makata-tawanan, pride of TV5's Talentadong Pinoy
5. Uber laught trip with satnd up comedians from Libray Malate

Lastly, hindi ko makakalimutan ang Night na ito, dahil binigyan nila ako ng chance na maging isang inspirasyon sa mga CoE students. I am invited as an inspirational speaker. Nung una ayaw ko, nakakahiya kasi, pero my mother told me na isang magandang experience ito kaya tinanggap ko na.

Super saya, super enjoy at super sa kaba. Ito na siguro ang last CoE night na aatend ako, since wala na ako masyado kakilala sa mga incoming officers ng SCOES. Pero ganun pa man, im proud na COE graduate ako at may legacy na naiwan sa organization.




***Thanks kay Ate Zet sa pagsama sa akin at pagtake ng mga pictures ko.

More pictures at my Multiply Site, please click here.